Wednesday, February 11, 2015

National Museum of the Filipino People: LUNETA PARK

Noong ika-31 ng Enero 2015, ako, kasama ang aking mga matatalik na kaibigan ay pumunta sa lungsod ng Maynila upang gumawa ng aming takdang aralin sa Philippine History at syempre maglibot na din. Sakay ng isang dyipni, tinungo namin ang Luneta Park. Napakataas ng sikat ng araw nang kami ay dumating kung kaya naman ay dali-dali na naming hinanap ang gusali ng National Museum of the Filipino People. 




Ito ay isang puting malaking gusali. Nagbayad kami ng entrance fee sa halagang limampung piso bawat isa. Upang masulit ang aming binayad, sinuyod namin ang bawat sulok ng museo, nag-akyat panaog at walang sawang kumuha ng mga litrato.




Sa museong ito ay makikita ang mga iba't ibang bagay na mapagbabatayan at magpapatunay ng mga pangyayari noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.






Relikya (Relics). Ito ay mga pangkulturang materyales tulad ng mga sandata, kasangkapan at kagamitan ng sinaunang pamayanan.

Ang Manunggul Jar na nagsilbing libingan ng mga sinaunang tao sa Palawan sa pagitan ng 810- 790 BC. Ang lilok sa ibabaw ng takip ng banga ay nagpapakita ng isang bangkang may sakay na dalawang tao: isang nagsasagwan at isang nakaupo sa bandang unahan. Sinisimbolo nito ang paghahatid ng kaluluwa ng yumao sa kabilang buhay.


Maitum Jar



Ang Galyong San Diego na natagpuan ng mga maninisid sa Fortune Island sa Nasugbu, Batangas noong ika-24 ng Abril 1991. Ginamit ito ng mga Espanyol sa pakikidigma laban sa mga Olandes noong ika-14 ng Disyembre 1600. Ang galyong ito na pangkomersyo at pandigma ay ipinagawa ni Don Antonio de Morga, tenyente-gobernador ng Maynila noon.


Ang impormasyon tungkol sa lumubog na barko ay nagmula sa ulat ni Don Antonio de Morga sa kanyang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas.



Ang sumusunod ay ilan sa mga kagamitan na natagpuan sa loob ng barko:



Mga lumang bangkang ginamit ng mga sinaunang Pilipino na natagpuan sa lalawigan ng Butuan, Agusan noong 1976- Butuan Boat




Mga sinaunang kagamitang yari sa bato at metal








Labi (Fossils). Tumutukoy ito sa mga tumigas na buto ng mga sinaunang tao, hayop o halaman.






Kaalamang- bayan. Tumatalakay ito sa mga sinaunang paniniwala, kaugalian, kalinangan, awit at sayaw, at sining ng mga tao sa isang tiyak na panahon.



Ang Laguna Copper Plate Inscription ay ang unang dokument ng kasaysayan ng Pilipinas na isinulat noong ika-21 ng Abril 900 AD.



Calatagan pot












Brass gong mula sa Maranao


Makikita sa mga larawang ito ng mga instrumentong pangmusika ang pakahilig sa pag-awit at pagsayaw ng mga sinaunang Pilipino.



Ang Sarimanok ay isang maalamat na ibon ng mga Maranao











Batik sa Katawan


Iba't ibang kasuotan







Ang Bulul ay isang uri ng ukit sa anyo ng tao na sinasamba ng mga Ifugao bilang diyos ng palay.




Ang Ifugao blanket ay isang uri ng kumot na ginagamit sa pagbalot sa katawan ng mga yumaong Ifugao.


Ifugao hut







Sama grave marker, ito ang nagsilbing pananda ng libingan sa Sama D' Laut. Ang disensyo nito ay kumakatawan sa paniniwala sa paglipat ng kaluluwa sa kabilang buhay.




Masasabi kong nakakamangha ang bawat bagay sa museong ito dahil bukod sa makasaysayan ang mga ito ay ipinapakita din nito ang uri pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino at ang ating likas na pagkamalikhain at pagiging masining.

Nang kami ay makaramdam na ng pagod at gutom ay lumabas na kami ng museo. Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay sinimulan naman naming libutin ang isa sa pinakamakasaysayang lugar sa Pilipinas, ang Luneta Park. Doon makikita ang malalawak na hardin, palaruan, fountain, awditoryum, independence flagpole, replika ng arkipelago ng Pilipinas, monumento ni Lapu- Lapu at syempre ni Dr. Jose P. Rizal.










Napakasaya ng araw na iyon. Bukod sa nakasama ko ang aking mga kaibigan ay nabusog ang aking mga mata sa mga makasaysayang bagay na aking nakita at higit sa lahat ay nadagdagan ang aking kaalaman sa kasaysayan ng ating Inang bayan. :)

<3